Advertisers

Advertisers

Reproduction number sa NCR 0.63 nalang – OCTA

0 133

Advertisers

SINABI ng OCTA Research Group na bumaba pa sa 0.63 na lang ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, dahil sa kasalukuyang trend, inaasahan nilang pagsapit ng Pebrero 14 ay aabot na lamang sa less than 500 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa NCR.

“2455 new cases in the NCR today 01/26/22. Actuals still tracking below projections. The target now is below 500 new cases by Feb 14. Reproduction number is down to 0.63 in NCR,” pahayag pa ni David, sa kanyang Twitter account.



Una nang iniulat ni David na ang COVID-19 reproduction number sa NCR ay bumaba na sa 0.71.

Ang reproduction number ay yaong bilang ng mga taong maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyong bumabagal na ang hawahan ng virus. (Andi Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More