Advertisers

Advertisers

Saliva testing ng PRC dedma sa DOH!

0 1,597

Advertisers

ISANG taon nang ipinapanawagan ng PHILIPPINE RED CROSS (PRC) na ang dapat gamitin para sa abot-kayang presyo ng mga karaniwang mamamayan ay ang SALIVA TESTING.., subalit, tila dedma lamang ito sa DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na ang itinataguyod ay ang pagdudutdot sa ilong ng mga tao o ang SWABBING TEST na napakamahal naman ng bayarin.

Ang SALIVA TEST FEE ng PRC ay nagkakahalaga lamang ng P1,500 kumpara sa isinasagawang ANTIGEN RT-PCR na ang bayarin ay mula P3,000 to P5,000 o mas mataas pa ang singil ng ibang mga ahensiya.

“The saliva RT-PCR test is a game-changer for our country. The reduced cost of testing gives way to test more people such as students, employees, factory workers, healthcare workers, and other essential workers. With the saliva RT-PCR test, they can be tested weekly because it is faster, accurate, affordable, and non-invasive. Rest assured that PRC remains committed to its duty of finding ways to test more and keep Filipinos out of harm’s way,” pahayag ni (PRC) CHAIRMAN and CEO SEN. RICHARD “DICK” GORDON.



Bunsod nito ay hinikayat ni SEN. GORDON ang DOH nitong Linggo, na gamitin na ang saliva tests para mapalakas ang kapasidad ng bansa sa pag-detect ng COVID-19 infections.

“Ang advice ko sa Department of Health, mas maigi gamitin ang saliva test kaysa maglalagay ng sariling administered (antigen), puwede rin ‘yon pero ang kailangan doon kapag nag-administer ka ng antigen test irereport mo. Kapag negative ka, wala kang problema. Kapag nagpositive ka mayroong mga false positive, kung minsan false positive. Mabuti rin ang RT-PCR pero mas mura na di hamak ang saliva test. Kaya ayan ang tinutulak sa probinsya,” pahayag ni GORDON.

Masaklap pala itong ginagamit na ANTIGEN dahil may mga resulta ng test na FALSE POSITIVE.., ibig sabihin e mali ang resulta ng test.., e panibagong gastos na naman sa mga taong matitiyempo sa resultang FALSE POSITIVE dahil maa-isolate at paglipas ng required na araw sa isolation ay muling magpapatest uli na panibagong gastos na naman sa pobreng mamayan.

Gayunman, kahit mura lang ang SALIVA TEST FEE at irerequire na weekly ang pagpapa-test ay hindi na po ito kakayanin ng pangkaraniwang trabahador na halos P500 lamang ang suweldo kada araw.., e, katumbas na ng 3-araw na pagtatrabaho ng pobreng trabahador ang singil sa SALIVA TESTING. ., na puwede namang magpatest ang tao kung may nararamdaman lamang siyang senyales ng COVID-19.

Noong January 2021 ay pinasimulan ng PRC ang SALIVA TESTING o ang pagkuha ng laway ng tao mula sa dila para isailalim sa testing na ayon sa masusing pag-aaral ng mga SCIENTIST na mas accurate ang result kumpara sa ibang ginagamit na mga RT-PCR TESTS.



Pero, bakit nga ba hanggang ngayon ay hindi pinapaboran ng DOH ang panawagan ni SEN. GORDON? Ito kaya ay dahil sa naging banggaan sa SENATE INQUIRY sa pagitan nina SEN. GORDON at PRESIDENT RODRIGO DUTERTE hinggil sa FACE MASK CONTROVERSY.., kaya bilang ganti e hindi pinakikinggan ni HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III ang panawagan ng PRC?

Sa kasalukuyan ay puspusan ang isinasagawa o halos ipagpuwersahan ng DOH na magpabakuna ang lahat ng mga tao. , pero ang mga dumadanas naman ng ADVERSE EFFECT mula sa bakuna ay walang asiste ang DOH na tila puro pag- papabakuna lamang ang ikinakampanya at matapos ang bakunahan ay kesehodang ano man ang mangyari o maparalisado o mangamatay ang
mga nabakunahan ay wala nang paki ang DOH?

PAGING SEN. GORDON.., kung walang ginagawang monitoring at pag-asiste sa mga dumadanas ng ADVERSE EFFECT ang tanggapan ni HEALTH SECRETARY DUQUE ay maaari pong magbusisi ang mga mambabatas para matagpuan ang lahat ng mga nagtamo ng masamang epekto sa bakuna bilang bahagi sa proseso ng CLINICAL TRIALS sa mga.pambakuna.., at para naman maipadama sa mga tao ang tunay na pagmanalasakit ng gobyerno sa kapakanan ng mamamayan na maasistehan ang mga ito sa panahon ng kanilang mga paghihirap dulot ng bakuna.

Masyado pa pong naaga para ipangalandakan o ianunsiyo na tagumapy ang resulta ng bakunahan dahil nasa EXPERIMENTATION IN NATURE pa ang ang bakunahan.., ika nga, kung ang mga nabakunahan ay walang dinanas na negatibong epekto ay dapat MAGPASALAMAT at akma sa resistensiya ng katawan nila ang bakunang itinurok sa kanila.., at yung minalas na hindi umakma sa resistensiya ng kanilang katawan ay dapat na maasistehan ng gobyerno bilang malasakit.., sabagay, may PINIRMAHAN nga namang WAIVER ang mga nagpabakuna, na kung anumang kasapitan ay walang pananagutan ang GOVERNMENT at ang VACCINE MANUFACTURERS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.