Advertisers

Advertisers

DOTr ipinauubaya na sa LGUs kung tutularan ang ‘no vax, no ride’ policy sa NCR

0 183

Advertisers

NASA kamay na ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa kung tutularan ang ipinatupad na ‘no vax, no ride’ policy sa Metro Manila.

Sa Laging Handa briefing sinabi ni Department of Transportation Usec. Artemio Tuazon, na kung titingnan ang inilabas nilang Department Order, naka-base ito sa ordinansa na inisyu ng mga LGU sa National Capital Region (NCR).

Pahayag ni Tuazon, ang mga lokal na pamahalaan mismo ang nakaaalam sa tunay na kondisyon ng kanilang nasasakupan kaya’t may karapatan silang gamitin ang kanilang police power sa ilalim ng local government code upang maipatupad ang no vaccine, no ride policy.



Tiniyak naman ng DOTr official sa mga local chief executives sa mga lalawigan, na kanilang susuportahan sakaling maglabas sila ng kahalintulad na ordinansa o kautusan dahil sigurado naman aniyang makatutulong ito para mas mapabilis pa ang pagpapataas ng bilang ng mga bakunado sa buong bansa. (Vanz Fernandez)