Advertisers
NADAGDAGAN pa ng anim ang lugar sa bansa na inilagay sa Alert Level 3.
Kabilang sa mga lugar na inilagay sa Alert Level 3 ang Palawan, Camiguin, Davao Occidental, Dinagat Islands, Tawi-Tawi at Sulu.
Ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles, epektibo ang nasabing Alert Level 3 sa nasabing lugar mula Enero 28 hanggang Pebrero 15.
Dahil dito ay bawal ang mga contact sports, perya, casino at face-to-face classes maliban lamang kung ito ay aprubado ng gobyerno.
Limitado lamang sa 30 percent sa mga indoor dining na para sa mga fully vaccinated.
Kasama ring limitado sa 30 percent ang religious gatherings, fitness studios, personal care services at recreational venues.
Nauna nang inilagay sa Alert Level 3 ang Metro Manila at ilang lugar ng hanggang Enero 31.