Advertisers
HINDI napikon ang isang aspiranteng Mayor ng Maynila nang bansagan itong ‘Marites’ nang ibunyag nito ang bilyon-bilyong pagkakautang ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Bilang isang abogado, negosyante at builder economist, nais ni Atty. Alex Lopez, tumatakbong alkalde ng Maynila at anak ni dating Mayor Mel Lopez, na ipaliwanag ng Pamahalaang lungsod sa mga Manilenyo kung saan kinuha at napunta ang inutang na bilyong halaga.
“Dapat lang naman tlg malaman kung san napunta ang mga inutang. Kung meron naman mataas na revenue ang Maynila pero nagkautang pa din ng bilyon bilyon na utang,” wika ng isang residente ng Maynila na si Artemis West.
Sa ngayon naging mainit ang naging pagsuporta ng mga Manilenyo kay Atty. Lopez para maging susunod na Mayor ng Maynila.
Ayon sa sigaw ng mga ka-Marites ni Atty. Lopez na ito lamang ang may puso at malasakit para sa tao.
Kaya ang sigaw ngayon ng mga residente, “Atty. Alex Lopez ang ‘bagong mayor’ ng Maynila para sa mga mahihirap”.
Paparating na ang tunay na pagbabago, kay Alex Lopez dahil una sa kanya ang Manilenyo.