Advertisers

Advertisers

BOC grinanada!

0 553

Advertisers

Pinaiimbestigahan na ni MPD Director P/Brig Gen.Leo ‘Paco’ Francisco ang inihagis na granda sa loob ng Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado ng umaga, Enero 29.

Sa ulat, 6:25 ng umaga nang makita ni Giovanni Vahlois, administrative services aid ng BOC ang hand grenade sa parking space ng Enforcement and Security Services, Bureau of Custom Gate 3, South Harbor, Manila.

Ayon kay Giovanni, nilinis nito ang sasakyan ng kanyang employer nang nadiskubre ang granada kaya agad nitong ipinagbigay alam kay Vincent Fajardo, Special agent ng BOC na siya namang nag-report sa MPD- PS 12.



Maalala na ilang opisyal na ng BOC ang pinagbabaril sa magkakahiwalay na insidente kung saan isa ang napatay nang tambangan habang sugatan ang dalawa pa.

Ayon sa BOC, ang opisina ng Enforcement Service kung saan natagpuan ang granada ay ilang hakbang na lamang sa opisina naman ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Hindi naman sumabog ang nasabing granada at agad itong dinetonate upang hindi na makapagdulot ng panganib sa publiko.

Kamakailan, naaresto naman ng BOC si Ricmoreno Paja, 44, machine operator at residente ng Group 2 Mayon Extension Palar Village Brgy. Pinagsama Taguig City sa loob ng Steel Parking Area, Manila International Container Port.

Nahulihan ito ng baril, magazine at bala kaya agad itinurn-over ng BOC sa MPD.



Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya kung may kinalaman ito sa magkakahiwalay na insidente mg pamamaril sa mga opisyal ng BOC.(Jocelyn Domenden)