Chinoys binati ni Isko sa pagdiriwang ng Chinese New Year
Advertisers
NAGPAHATID ng pagbati si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno sa lahat ng members ng Chinese-Filipino community sa lungsod at sa buong bansa sa kanilang pagdiriwang ng Chinese New Year sa ganap na 12 a.m. sa buong araw ng February 1, 2022.
Sa kanyang mensahe, binaggit ni Moreno ang kontribusyon ng mga ‘Chinoys’ sa pag-unlad ng lungsod sa mga nakalipas na taon at pinasalamatan ang mga ito sa kanilang suporta sa local government ng Maynila at sa mga hakbangin nito.
Partikular na nagpahayag ng kanyang utang na loob ang alkalde sa lahat ng mga tulong na ibinibigay ng mga Chinese-Filipinos sa mga nangangailangan at sa pamahalaan sa kasagsagan ng pananalasa ng pandemya hanggang sa ngayon.
Sinabi pa ng local chief executive na nakalulungkot isipin na tulad din ng iba pang kaparehong okasyon ang Chinese New Year activities ay kailangang kanselahin dahil sa pagkakaroon ng surge sa COVID infections sa buong bansa.
“The traditional holding of parades, dragon and lion dances and lighting of firecrackers in the streets are not allowed, while a liquor ban particularly in the Chinatown area or in Binondo will also be implemented, ” sabi ni Moreno.
Ang prohibisyon ay nakapaloob sa executive order na nilagdaan ni Moreno at attested ni Secretary to the Mayor Bernie Ang, na isang Chinese-Filipino descent at prominenteng pigura sa Chinoy community. Sinabi ni Ang na maging sa China ay in-adjust ang Lunar New Year celebration para sa milyong migrante na dini-discouraged na umuwi para sa Chinese holidays dahil sa taas ng COVID cases.
Sinabi ng alkalde na sa kabila na ang mga traditional activities sa Maynila ay kanselado, ang Chinese-Filipino community ay makapagse-celebrate pa rin ng Chinese New Year’s Eve at Chinese New Year’s day sa kani-kanilang tahanan.
Dahil dito ay nakikiisa si Moreno sa mga Chinoys sa pagdiriwang ng Chinese New Year at binanggit din ng alkalde ang hindi mabilang na papel na ginampanan ng mga Chinese-Filipinos sa paghubog ng makulay na kasaysayan ng bansa.
Ang mataas na pagkilala ni Moreno sa mga Chinoys ay higit na tumingkad nang ilang buwan matapos na maupo bilang alkalde ng lungsod ay pinangunahan niya ang paggiba sa isang makeshift barangay hall extension na itinayo noong nakaraang administrasyon sa mismong lugar kung saan naroon ang estatwa ni Roman Ongpin.
Ang nasabing monumento na naging ‘icon of shame’ ng ilang taon bago pa naging alkalde Moreno ang siyang bumabati sa mga bumibisita sa sikat na Chinatown district sa Manila at isa sa pinakamalaki sa buong mundo.
Ang estatwa ni Ongpin ay naitayo sa pamamagitan ng dating barangay chairman na si Gerie Chua. Ang monumento ay inutos na isailalim sa renovation at paglilinis ni Moreno at isa na ngayong Instagrammable spot na makikita kahit sa gabi.
Sinabi pa ni Moreno na isang maliit na paraan laamang ito ng city government sa pagbibigay parangal kay Ongpin na isang Filipino-Chinese businessman at philanthropist na kilala sa pagtulong sa mga Filipino revolutionaries noong panahon ng Spanish at American occupation at kung saan din ipinangalan ang main street sa Chinatown sa Binondo, Manila.
Sa kasagsagan ng pandemya, pinasalamatan ni Moreno ang China government dahil sa pagpayag nito na bumili ang city government ng 400,000 doses ng Sinovac vaccines. Tanging city of Manila ang local government unit na nakagawa nito.
Binanggit din ni Moreno ang kontribusyon na ginawa ng mga Chinese-Filipinos sa overall economic development ng bansa sa mga nakalipas na panahon.
“The values and work ethics that made our Chinese-Filipino brothers dominate major corporations in the country is worthy of emulation,” sabi Moreno. (ANDI GARCIA)