Advertisers

Advertisers

Negosyante patay sa P200 utang

0 148

Advertisers

Bacolod – Patay ang isang negosyante nang pagbabarilin ng padyak driver sa P200 utang nitong pamasahe sa lungsod ng San Carlos, Bacolod.

Kinilala ang biktima na si Wilmar Sy, at residente sa Barangay 4 ng nasabing lungsod.

Sa isinagawang manhunt operation ng San Carlos Police Station, nadakip ang salarin na si Charlou Orsajes, 36-anyos, tubong Cebu City, at walang permanenteng tirahan sa nabanggit na lungsod.



Sa report, naganap ang krimen sa loob ng pamilihan bayan sa nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, madalas umanong sumakay ang biktima sa salarin kapag namimili ito ng kanyang mga paninda sa karinderya.

Depensa ni Orsajes, madalas hindi nagbabayad ang biktima at umabot na ito ng P200 kaya niya sinisingil.

Sa halip na magbayad ang biktima pinagbantaan pa umano siyang papatayin kaya inunahan na niya itong patayin.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng San Carlos City Police Station si Orsajes at nahaharap sa kasong murder.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More