Advertisers
Nailabas na umano ang arrest warrant para kay Enchong Dee kaugnay sa P1 billion cyberlibel case na sinampa ni Cong. Claudine Bautista-Lim.
Ayon sa Fashion Pulis, noong January 25, naglabas na ang korte ng warrant of arrest para maipakulong si Enchong.
January 26, nagtungo na umano ang mga awtoridad sa address ni Enchong sa Quezon City para ihain ang warrant, ngunit wala raw doon ang aktor.
Ang naturang address ang boarding house na pagmamay-ari ni Enchong, at ayon sa mga tenant hindi doon tumitira ang showbiz personality.
Patuloy pa umanong hinahanap ng mga pulisya ang Kapamilya actor.
Nag-ugat ang kaso nang akusahan ni Enchong na pera daw ng mga commuter at driver ang ginamit ng DUMPER party-list representative para sa engrandeng kasal nito sa Balesin.
“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise,” dating tweet ni Enchong.
Pumalag sa paratang si Bautista-Lim at tila pinalabas umano ni Enchong na korap siyang opisyal.
“The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official,” giit ng kongresista.
Wala pang pahayag ang aktor hinggil sa isyu.