Advertisers

Advertisers

Comelec Comm. Guanzon isinapubliko ang kanyang desisyon sa DQ vs Marcos…‘CONVICTED SI MARCOS, DISQUALIFIED SIYA SA ELEKSYON!’

0 278

Advertisers

BAGO tuluyang magretiro, inilabas na ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang separate opinion sa disqualification case ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Sa 24-pahinang desisyon ni Guanzon, sinabi nito na ang conviction ni BBM sa tax evasion cases noong 1982-1985 habang naninilbihan bilang Bise Gobernador at Gobernador ng Ilocos Norte ay maituturing na crime involving moral turpitude, at basehan upang siya ay madiskwalipika.

Nitong Lunes ay sinamahan si Guanzon ng kanyang mga tagasuporta na dumalo ng misa Manila Cathedral.



Dito tahasang sinabi ni Guanzon na sinungaling si BBM at hinamon si Commissioner Aimee Ferolino, ang naatasang ponente, na ilabas ang desisyon na dapat sana ay nailabas na bago pa ang Enero 17.

Nabatid na nakatakdang magretiro si Guanzon sa Pebrero 2. Sakaling ilabas ang desisyon pagtapos ng Pebrero 2 ay magiging invalid na ang kanyang boto.

Si Guanzon ang Chairman ng Comelec First Division, at isang boto na lang ang kailangan upang madiskwalipika si BBM.

Subalit ayon kay Ferolino, ay pinipilit siya ni Guanzon na pabilisin ang paglalabas ng desisyon.

Samantala, sa hiwalay na tweet, hinamon ni Guanzon si Ferolino na sabay silang magbitiw sa pwesto.



““I challenge Comm Ferrolino, let us resign together before [February 3] since the integrity of the [Comelec] is now in question,” ayon kay Guanzon. (Jonah Mallari)