Advertisers

Advertisers

Desperadong manalo

0 446

Advertisers

HINDI nakapagtatakang nangangako ang mga pulitiko sa mga botante ng kanilang mga gagawin kapag manalo sa halalan.

Lahat ng maisipang ‘magagandang’ plano, programa at gagawing aksyon ay iwinawasiwas ng mga kanila sa pagkapangulo ng bansa hanggang sa mga tumatakbo sa pagigong konsehal ng Sangguniang Bayan.

Kahit alam ng mga kandidato na imposinleng mangyari ay ipinapangako ng mga kandidato.



Pulitiko nga naman, lahat naiisip at ipinapangako sa mga botante.
Hindi ba’t ang tawag sa ginagawa nila ay desperadong manalo?

Ang daming ganyang pulitiko mula noong ipanganak ang eleksyon sa Pilipinas noong pabahon ng paghahari at pagkontol ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Muling isinilang ang halalang sa Pilipinas noong dayuhin, agawin, kontolin ng mga imperyalistang Amerikano ang bansang ito.

Nakasaad sa kasaysayan ng bansa na binansagan ng mga Amerikano ang pagpapatupad nila ng ‘tunay’ na eleksyon bilang estratehikong sangkap ng demokrasya.

Ngunit, ang totoo ay naging instrumento ng mga taong sakim sa pampulitikang kapangyarihan upang yumaman nang yumaman at manatili sa pampulitikang kapangyarihan.



Hanggang ngayon ay nagagaganap ‘yan sa Pilipinas.

Pokaragat na ‘yan!

Ang nakabubuwisit, may mga kandidato sa matataas na posisyon sa pamahalaan tulad ng pagkapangulo ang nangangako sa mga botante ng mga plano na imposibleng mangyari.

Halimbawa, mayroong kandidato sa pagkapangulo na gustong pababain sng buwis sa mga produktong petrolyo upang lumaki raw ang kita ng mga nagtatrabaho.

Hindi totoo ‘yan, sapagkat hindi naman bababa ang presyo ng gasolina, krudo at iba pa kapag nabawasan ang buwis ng mga produktong petrolyo.

Hindi rin bababa ang presyong mga bilihin kapagmababa ang buwi sa mga produktong petrolyo.

Mababa ang buwis sa mga produktong petrolyo ilang taon na ang nakalipas.

Katunayan, tumagal din ito.

Subalit, napakataas pa rin ng presyo ng mga produktong petrolyo , sapagkat masyadong mataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Walang magawa ang mga bansang umaasa at umaangkat lamang ng mga produktong petrolyo mula sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Kaya, mataas pa rin ang presyo ng gasolina, krudo at iba pa kada litro.

Kaya, hindi nagpahinga ang mga negosyante sa pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto upang makakabig ng napalaking tubo mula sa mga pangkaraniwang tao na karamihan ay napakaliit ng knikita.

Pokaragat na ‘yan!

Tapos, mayroong sumulpot na nagpakawala ng mga pangakong inimbento ng kanyang ‘masamang kaisipan’!

Ang payo ko, huwag kayong pauuto at magpapaloko sa kandidatong ito sa pagkapangulo.

Pokaragat na !

Ang isa nama’y mistulang tiniyaknang dodoblehin ang sahod ng mga guro at healthcare workers kapag nanalo siyang presidente.

Napakaraming guro, napakaramibg healthcare workers, saan kukuninin ang bilyun-bilyong perang pampasahod sa kanila?

Sa bilyun-bilyong perang kinita niya sa tagal ng kanyang pagiging boksingero?

Pokaragat na ‘yan!

Puwede ba, huwag ganyan?

Huwag desperado ang deskarte para lamang manalo!

Ang isa namang pulitiko ay gustong bumangon ang bayan.

Magandang pakinggan dahil mukhang bagong kanta na nakapag-aangat ng mga balahibo.

Ngunit, kung susuriin at pag-aaralang mabuti ang pahayag na babangon muli bayan ay kitang-kita na hindi magaganap kahit kailan dahil ang mga kalakip na gagawin ng naturang kandidato ay pawang katulad ng mga ipinangako ng mga pulitikong korap at manloloko.

Kung hahalukuyin nga ninyo ang kanyang rekord sa pagiging senado at kongresista ay matutuklasan ninyong batugan at absineroang nasabing kandidato sa pagkapangulo.

Pokaragatna ‘yan!

Maging ang pangakong magkakapantay-pantay ang mga Pilipino sa kanyang termino ay napakaimposiblengmaganap.

Naniniwala ako na ideya ng kandidatong ito ay kinopya sa baliw na nilalang!

Sa sobrang desperasyong magwagi sa eleksyon, pati ideya ng baliw ay ginawa.