Advertisers

Advertisers

Filipino lady booters pasok sa World Cup sa unang pagkakataon

0 390

Advertisers

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine women’s football team matapos na makakuha ng spot sa FIFA Women’s World Cup 2023.

Nasilat ng Filipino booters ang Chinese Taipei sa 4-3 sa penalty shootout sa AFC Women’s Asian Cup quarter-final na ginanap sa Pune, India.

Itinuturing na bayani sa laro si Olivia McDaniel matapos na maharang ang dalawang spot kicks mula sa Chinese Taipei.



Hawak ng Chinese Taipei ang kalamangan 3-2.

Labis naman ang kasiyahan ng kanilang head coach na si Alen Stajcic kung saan sinabi nito na magiging isang inspirasyon ang panalo ng Philippine team.

Hindi niya ngayon iniisip ang pagharap nila sa South Korea sa semifinals dahil isinaisip nila ang pagpasok sa World Cup.

Susunod na makakaharap ng PIlipinas sa knockout semifinals ang South Korea sa Pebrero 3.

Magiging host ang New Zealand at Australia sa FIFA Women’s World Cup 2023.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">