Advertisers
ANG magkapatid na kapwa naka-linya sa iligal na gawain na sina BOGS at GOTO V. ay kapwa umano kandidato sa lalawigan ni Governor Daniel Fernando ng Bulacan.
Sina BOGS at GOTO na na nasa katergorya bilang mga “ECONOMIC SABOTEURS” dahil na rin sa pagiging hari nila sa PAIHI at PASINGAW ng mga petroleum products ay tila pa nag-a-ambisyon ng ibayo pang kapangyarihan.
“Yan ay kung mabibilog ng kupal na magkapatid na ito ang mga botanteng Bulacaneos!
Tumatakbong bise gobernador ang KUPAL na si BOGS, samantalang alkalde naman ng isang bayan sa Bulacan pa rin itong gagong si GOTO.
Base sa intelligence report na ating napasakamay, ilang taon na ring nasa iligal na opisyo ng PAIHI at PASINGAW itong magkapatid na ito sa proteksyon na rin ng matataas na opisyal ng pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP).
Kung baga sa mga legit na negosyante, nakapag-estabilisa na itong sina BOGS at GOTO hindi lamang ng mga kliyente kundi maging kanilang mga “CONTACTS” at PADRINO gaya ng sinabi natin.
Ang PAIHI compound nitong si BOGS ay nasa national highway, Barangay Alangan , Limay, Bataan samantalang ang PASINGAW area naman nitong si GOTO ay nasa Florida Blanca, Pampanga.
Take note, kapwa nasa labas ng probinsiya ng Bulacan ang balwarte ng katarantaduhan ng magkapatid na ito na hindi lamang nagnanakaw kundi namemerwisyo pa ng mga walang kalaban-labang mga consumers.
Obviously para maitago sa kanilang mga nililigawang constituents at kababayang Bulakenyo!
Ang kalidad ng gasolina, krudo at LPG ay naku-kompromiso dahil sa katarantaduhan ng magkapatid na ito na may lakas ng loob pa at kapal ng mukhang kumandidato sa pulitika.
Kaya di lamang simpleng pagnanakaw ang kaso ng magkapatid na ito kundi “economic sabotage” na walang piyansang inirerekomenda.
Bakit nananatiling malaya at untouchables ang kupal na sina BOGS at GOTO ay dahil na rin sa kuwartang kanilang ipinamumudmod sa mga tiwaling opisyales ng goyerno at pulisya.
Mga pulitikong korap na pinili pang magkamal ng sandamukal na kuwarta kesa maglingkod ng tapat sa bayan at sa tao.
Panawagan natin sa mga kababayan natin diyan sa lalawigan ng Bulacan, wag po tayong pumayag na makapangyari ang ambisyon ng magkapatid na ito na makapasok sa government service bilang mga elected officials.
Mga iligalista po ang magkapatid na ito at kriminal.
Bababuyin lamang po ng mga nito ang institusyon ng gobyerno sakaling mahalal sa poder.
Ngayon pa lamang na ordinary citizens pa lamang ang dalawang kupal ay wala ng takot gumawa ng iligal, lalo pa siguro kung nasa kapangyarihan na!
Kinukuwestiyon din natin ang liderato ng PNP at ang tila breakdown sa kanilang intelligence capabilities para di ma-monitor at masakote ang magkapatid na ito na, as we have revealed and exposed ay mga lider ng PAIHI at PASINGAW syndicates sa Region 3.
Paging PNP chief, General Dionardo Carlos, it’s about time Gen. Carlos na magsagawa na kayo ng revamp at reshuffle sa mga opisyales n’yo sa PNP from regional directors down to provincial at city directors na pamilyar na masyado sa mga organized criminal syndicates gaya nitong si BOGS at GOTO.
Sa halip kasing hulihin at papanagutin sa batas ay pino-proteksyonan pa!
Lalo na ngayong eleksyon kung saan nagagamit sa pulitika ang mga perang galing sa masama gaya ng Narco money at mula sa iba pang sources at income na galing sa iligal.
Pati perang galing sa jueteng at illegal gambling ay bumabaha ngayon sa bawat sulok ng bansa partikular na sa countryside Gen. Carlos sir!
In this particular case sir, sina BOGS at GOTO ay mistulan nang criminal Kingpins ng Region 3 na dapat putulan di lamang ng sungay kundi ng kanilang kaligayahan at ilagak sa karsel na kanilang deserved na panagutan sa tao at bayan.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com