Advertisers

Advertisers

Masangsang na amoy ng toneladang medical waste ng QMC inireklamo kay Gov. Suarez

0 548

Advertisers

KASABAY ng paglobo ng bilang ng mga nai-infect at namamatay sa COVID-19 virus sa lalawigan ng Quezon, nangangamba naman na makakuha ng panibagong sakit ang mga residente malapit sa compound ng Quezon Medical Center (QMC) dahil sa umano’y toneladang madical waste na matagal nang nakatambak doon.

Marami na ang nagpaabot ng reklamo sa management ng hospital na pinamumunuan ni Dr. Rolando Padre subalit dedma lamang ito.

“Nag-aalala nga kaming mga tagarito dahil sa malansa at napakabahong amoy ng mga basurang ‘yan ng QMC. Baka hindi dahil sa COVID kundi dahil sa masangsang na amoy na ‘yan kaya kami magkakasakit at mamamatay,” hinaing ng isang residenteng tumangging magpakilala.



Pati mga kaanak ng pasyente na pumaparada malapit sa lugar maging ang mga napapadaang motorista ay dumadaing din sa amoy ng mga basura.

Kabilang din ‘aniya sa mga nagrereklamo dahil sa mabahong amoy ng gabundok na mga basura ay ang mga madre sa Mt. Carmel Diocesan General Hospital na malapit lamang sa QMC.

Sinabi nito na napaka-insensitive ni Dr. Padre dahil tila ‘aniya nagbibingi-bingihan ito sa mga hinaing at reklamo.

“Alam naman natin na kabilang sa mga ganyang medical wastes ng mga hospital ay ‘yung mga tinatawag na pathological wastes na kinabibilngan ng mga amputated tissues, organs at body parts kaya kakaiba ang baho ng amoy,” dagdag pa ng galit na residente.

Sinabi ng mga residente na ang mga toneladang medical wastes ng QMC ay matagal nang nakatambak sa loob at labas ng hazardous waste storage facility ng ospital sa hindi pa malamang dahilan.



Napag-alaman sa isang source na ang kompanyang Enviro Care Services ang humahawak sa waste collection and disposal ng QMC.

Ayon sa source, posibleng nagkaroon ng problema sa pagitan ng ospital at ng waste collector kung kaya matagal nang nakahinto ang pagkuha sa mga basura.

Idinagdag pa nito na umaabot sa higit-kumulang na isang toneladang basura ang napo-produce ng ospital kada araw dahil sa dami ng mga pasyente dito.

Dahil dito, ang mga nagrereklamo ay nananawagan kay Governor Danilo Suarez upang kanyang aksyunan ang problema dahil ang QMC na siyang panlalawigang pagamutan at nasa ilalim ng kanyang kontrol at superbisyon.

“Alam po namin na ang atensyon ni Gov. Suarez ay matagal nang naka focus sa pulitika dahil patuloy ang pag- angat ng kanyang katunggali. Pero kami ay nakikiusap sa kanya na lapatan naman niya ng mabilisang aksyon ang problema naming ito”, wika pa ng residente.