Advertisers
Dahil malaking epekto sa industriya ng agrikultura ang mga smuggler, nagbabala si Aksiyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na tutugisin niya ito sakaling palaring manalo sa pangkapangulo ng bansa.
Ito ang sinabi ni Moreno sa kanyang paglalatag ng kanyang bilis kilos 10 economic action agenda na magsisilbing gabay ng kanyang administrasyon upang mabilis na maisulong ang pag-unlad ng tao at ekonomiya sa sandaling palarin at manalong Pangulo ng Pilipinas.
Giit ni Moreno, walang import permit na ilalabas upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka gaya ng mga nagtatanim ng play, bawang, sibuyas at tatangkilikin ng pamahalaan ang produkto ng magsasaka
Binanggit sa 10 point agenda ng Presidential aspirant ang pabahay, edukasyon, industriya, paggawa at trabaho, kalusugan, turismo, inprastraktura, digital transformation at industry 4.0, agrikultura, good governance at smart governance.
Sa pabahay kada taon, maglalaan siya ng isa punto tatlong porsiyento ng gross domestic .
Tututok din ang kanyang liderato sa pangunahing pangangailangan ,ang buhay at kabuhayan na pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.(Jocelyn Domenden)