Advertisers

Advertisers

Tulak nalambat sa loob ng hotel sa Makati

0 402

Advertisers

Tiklo ang isang lalaki nang mahulihan ng P3.4 milyon na halaga ng shabu sa inilunsad na buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng isang hotel sa Makati City.

Kinilala ng PDEA ang suspek na si Marion Balinas, 39 anyos, residente ng barangay Valenzuela, Makati City.

Nasakote si Balinas sa My Inn hotel sa kalayaan avenue barangay Guadalupe Nuevo, 3:30 ng hapon nitong Linggo.



Nakumpiska sa suspek ang nasa kalahating kilo ng shabu, buy bust money, isang pocket knife at dalawang identification cards.

Nahaharap si Balinas sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.