Advertisers

Advertisers

Ratings ni VP Leni patuloy ang pagtaas 

0 491

Advertisers

PATULOY ang pagtaas ng ratings sa survey ni Vice President Leni Robredo habang pababa naman si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pagtanggi nito na dumalo sa mga panayam sa telebisyon at radyo.

Ito ang resulta ng espesyal na pag-aaral ng International Development and Security Cooperation (IDSC) ukol sa 2022 national elections kung saan kinuha nito ang WR Numero Research para sa kanilang opinion poll.

Batay sa survey na ginawa ng WR Numero Research, nagtamo si Marcos ng 9 na puntos na pagbagsak sa kanyang rating mula 59 porsiyento noong Enero 2-7 (Week 1) patungong 50 porsiyento noong Jan. 23 hanggang 27 (Week 4) matapos hindi humarap sa “The Jessica Soho Presidential Interviews.”



Sa kanyang parte, nakakuha naman si Robredo ng 4 na puntos na pagtaas mula 16 porsiyento noong Enero 2 hanggang 7, patungong 20 porsiyento noong Enero 23 hanggang 27, dahil sa kanyang magandang pakita sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” noong Enero 22 at sa “The 2022 Presidential One-on-One Interviews with Boy Abunda” na inere mula Enero 24 hanggang 28.

Nakakuha rin si Robredo ng mga bagong tagasuporta dahil nailatag niya sa mga nasabing panayam ang malinaw ang kanyang mga plano para sa bansa batay sa kanyang kaalaman at karanasan.

Maliban pa rito, ang paglulunsad ng bagong campaign tagline ni Robredo na “Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat” ay nagpatibay sa pagkillos ng kanyang mga tagasuporta.

“The new slogan also highlighted how a Robredo presidency, banking on transparency and competence, would be different from the rest of the candidates,” ayon sa IDSC.

“The slogan also encapsulates the inclusive and participative administration she employs,” dagdag pa ng ulat.



Nakakuha naman si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng 9 porsiyento habang sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao ay mayroong 4.12 porsiyento at 2.41 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.