Advertisers
APRUBADO ng Department of Education (DepEd) ang pag-extend ng oras ng mga eskuwelahan sa pagpapatupad ng expansion phase ng limited face-to-face classes.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma, bibigyan ang mga expansion schools ng “flexibility” sa contact time para sa pagtuturo at pag-aaral para ma-maximize ang oras ng ilalagi ng mga kabataan sa panahon ng expanded limited face-to-face classes.
Paliwanag ni Garma, habang isinagawa ang pilot run ng limited face-to-face classes noong Nobyembre hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ang mga nagpartisipang eskuwelahan ay pinayagan lamang ng tatlo hanggang apat na oras para sa pagtuturo at pag-aaral.
“Based on our findings [in the pilot run], the students felt that the time they are in school was not enough,” ani Garma.
Ang mga guro, aniya pa ay nagbigay ng kahalintulad na feedback — tinukoy na ang oras para sa face-to-face sessions ay hindi sapat para i-cover ang mga aralin.
Sa nasabi pa ring pilot run, ipinaliwanag ni Garma na ang allotted time ay konsiderasyon sa rekumendasyon ng pediatric experts at Department of Health (DOH).
Base sa interim guidelines ukol sa expansion ng limited face-to-face classes na ipinalabas ng DepEd, “schools are given flexibility in contact time for teaching and learning, provided that meals are not taken in school except during managed recess.”
Ang Managed recess, paliwanag ni Garma, papayagan ang mga kabataan na magkaroon ng snacks o meryenda habang sila ay nasa paaralan “as long as these are overseen by their teachers.”
“As there will be schools that will be having one or more shifts, the DepEd is initially considering extending the contact during expanded face-to-face classes for “at least five hours,” pahayag ni Garma.
Maliban sa extending contact time para sa pagtuturo at pag-aaral, sinabi ni Garma na makakasama rin ang iba pang grade levels sa expanded face-to-face classes na mula Kinder hanggang Grade 12.
Sa pilot run, tanging ang mga piling estudyante lamang mula sa Kinder hanggang Grade 1 hanggang 3 at Senior High School (SHS) students na nangangailangan ng laboratoryo ang papayagan na magpartisipa base sa rekumendasyon ng pediatric at health experts.