Advertisers

Advertisers

Covid update: 6,835 bagong kaso; 16,330 gumaling; 12 nasawi

0 142

Advertisers

NASA 6,835 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Pebrero 7.

Bunsod nito, pumalo na sa 3,616,387 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas, batay sa DOH case bulletin #695.

Ayon sa DOH, sa naturang kabuuang bilang, 3.2% na lamang o 116,720 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.



Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay mild cases lamang na nasa 103,900 at asymptomatic na nasa 7,806.

Mayroon din namang 3,184 na moderate cases, 1,495 na severe cases at 335 na critical cases.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 16,330 pasyente pang gumaling na rin sa karamdaman.

Sa kabuuan, mayroon ng 3,445,129 total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.3% ng total cases.

Nasa 12 lamang din ang iniulat ng DOH na namatay dahil sa karamdaman. Sila ay pawang binawian ng buhay noong Enero, 2022 pa.



Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 54,538 COVID-19 deaths na naitala ang Pilipinas o 1.51% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)