Advertisers
PORMAL nang nag-resign si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa kanyang posisyon nitong Lunes.
Sa isang press conference ay inanunsyo ni Abalos ang kanyang resignation bilang kinatawan ng MMDA at inihayag ang kanyang kadahilanan sa likod nito.
Ayon kay Abalos, plano niyang ilaan ang kanyang buong oras sa kanyang tungkulin bilang national campaign manager ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya namang tatakbo sa pagkapangulo sa darating na 2022 elections.
Kinakailangan kasi raw niyang ituon ang lahat ng kanyang oras para sa pangangampanya sa pagtakbo ng dating senador lalo na ngayong papalapit na ang panahon ng kampanya. (Josephine Patricio)