Advertisers
Dinagsa ng mga supporters ang ‘Blue Wave’ caravan ng Aksyon Demokratiko standard bearer Francisco ‘ Isko Moreno’ Domagoso ngayong araw.
Bago umarangka ang caravan, dumaan muna sa Sto. Niño Parish Church sa Tondo si Moreno 7:30 para sa isang banal na misa.
Mula Simbahan ng Tondo sa Ylaya ay umikot ang caravan sa buong Tondo kung saan nanggaling at lumaki ang presidential aspirant.
Ayon kay Moreno, dalangin niya sa kanyang pagdalo ng misa na sana matapos na ang pandemya na kinakaharap ng bawat isa sa atin.
Nagpapasalamat din ito sa mga taga suporta na nagpakita ng mainit na pagtanggap at pagsama sa motorcade dahil sa dami ng sumama.
‘Im very grateful heart warming , Di maipaliwanag …masayang-masaya ako sa mainit na paghatid sakin sa 90 days na tatahakin sa kampanyang ito” wika ni Moreno.
Samantala, sa pagsisimula ng kampanya sa national election, tiniyak ni Moreno na ang iiwanan niyang Maynila ay maipagpapatuloy ng masipag niyang bise alkalde na si VM Honey Lacuna.
Bukas din ito sa mga nais pang sumama sa kanilang partido pero aniya kailangan ay iisa lamang ang kanilang Presidente .
Mamayang hapon ay isasagawa Naman ang proclamation rally sa Kartilya tabi lamang ng Manila City Hall.
At inaasahan sa susunod na mga araw ay lilibutin na rin ng Aksyon Demokratiko ang iba pang lugar ngunit kung sakali aniyang “surge” ay kailangan nilang isakripisyo ang kampanya dahil kailangan pa rin aniyang mag-ingat. (Jocelyn Domenden)