Advertisers

Advertisers

Covid update: 3,574 bagong kaso; 14,644 gumaling; 83 nasawi

0 137

Advertisers

NASA 3,574 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Pebrero 8.

Batay sa case bulletin #696, iniulat ng DOH na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, ang Pilipinas ay mayroon na ngayong 3,619,633 total COVID-19 cases.

Sa naturang bilang, 2.9% na lamang o 105,550 ang aktibong kaso o maaari pang makahawa.



Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay dumaranas lamang ng mild cases na nasa 96,722 habang ang iba ay asymptomatic na nasa 4,059.

Nasa 3,007 naman ang mga nakakaranas ng moderate cases, 1,446 ang severe cases at 316 ang kritikal.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 14,644 pasyente na gumaling sa karamdaman sanhi upang umakyat na sa 3,459,462 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 95.6% ng total cases.

Samantala, may 83 pang pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman.

Sa kabuuan, ang total COVID-19 deaths sa bansa ay 54,621 na o 1.51% ng total cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">