Advertisers

Advertisers

DUTERTE WALANG ‘PAKI’ SA MGA PRESIDENTIABLES

0 276

Advertisers

WALA parin napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan sa pagkapangulo ng bansa sa darating na May 9, 2022 elections.

Sa kaniyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na halos lahat ng mga kandidato para sa pagkapangulo ay humihingi umano sa kaniya ng suporta.

Naniniwala si Pangulong Duterte na ang kaniyang pag-indorso ay nakakatulong sa isang kandidato subalit sa ngayon ay wala pa itong napupu-suang sinusuportahan.



Dagdag pa ng Pangulo, mababago lamang ang kaniyang pasya maliban lamang kung mayroong rason na magdesisyon sa pagsuporta sa kandidato.

Sa ngayon aniya ay wala muna itong nakatakdang iindorso sa pagkapangulo.

Matatandaang noong nakaraang mga linggo ay nagbanta ang pangulo na kaniyang ibubunyag ang kandidato na may bahid ng kurapsyon at hindi nararapat na maging pangulo ng bansa.