Advertisers

Advertisers

Isa pang ‘petition to cancel’ ni BBM ibinasura ng Comelec

0 200

Advertisers

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyon upang kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni dating senador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Kinumpirma ni Comelec spokesperson James Jimenez nitong Martes na na-deny ng Comelec ang petisyong inihain ni Tiburcio Marcos.

“I saw an update last week that actually had something on Tiburcio… It was a matrix that was released last week and it indicated the disposition of the case of Tiburcio,” pahayag ni Jimenes sa online press briefing.



Sinasabi sa petisyon ni Tiburcio na impostor umano si Bongbong dahil sa ang tunay na BBM ay namatay na noon pang 1975.

Matatandaang noong Disyembre 16, 2022, ibinasura rin ng Comelec ang petisyong isinampa ni Danilo Lihaylihay na nagdedeklara kay Bongbong Marcos bilang nuisance candidate.