Advertisers

Advertisers

SEN. GO, ISINUSULONG ANG PAGTATAYO ANG PHILIPPINE CENTER FOR DISEASE CONTROL ANG PREVENTION

0 121

Advertisers

Sa gitna ng mga pagsubok na dala ng pandemya at banta ng health crises sa hinaharap, nanawagan si Senador at Chair ng Senate Committee on Health Christopher “Bong” Go para sa pagpasa ng Senate Bill No. 2505, isang consolidated measure ng bill na kanyang inakda at inihain noong Mayo ng nakaraang taon, para sa pagtatayo ng Philippine Center for Disease Control and Prevention (CDC).

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Go na isa sa kanyang mga prayoridad ay gawing mas handa ang health system ng bansa sa pagtugon sa future health crises.

“This is the reason why we have already passed 24 laws for the upgrade and establishment of health facilities in the country. We also just passed on third reading 15 additional measures which will further add to the improvement of our health facilities,” sabi ni Go.



Ang CDC ang magsisilbing lead agency sa pag-develop ng communicable disease control and prevention initiatives. Ito ang magiging pangunahing reponsable sa para makontrol ang pagpasok at pagkalat ng infectious diseases sa bansa.

Pinasalamatan ni Go ang kapwa senador na si Pia Cayetano, na siyang Chairperson ng Subcommittee sa ilalim ng Committee on Health, sa pagsusulong ng kanyang panukalang batas.

“It is very fitting that the one spearheading this is also the Chair of the Committee on Sustainable Development Goals, Innovation, and Futures Thinking,” aniya.

Sinabi ni Go na sa ibang bansa ay naging kapaki-pakinabang ang Centers for Disease Control sa paglaban sa COVID-19.

“As experts in the field of infectious diseases, they are at the forefront of the health battle against COVID-19. It is high time for us to have our own CDC,” pagbibigay diin ng senador.



Inihayag din ni Go na batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan na makapagtayo ng naturang center, at hinimok pa noon ang Kongreso na magpasa ang panukala para sa pagtatatag nito.

“Ang polisiya po ng Administrasyong Duterte dapat one-step ahead tayo. Hindi po pwede na hindi tayo handa kung mayroong paparating na mga kalamidad, sakuna o emergency. Sa bawat oras na nagkulang po tayo sa paghahanda, maaaring buhay po ang kapalit,” saad ni Go.

“Alam naman po natin na hindi natin masasabi kung mayroon pang pandemyang darating sa ating buhay. Kailangan nating maging proactive,” dagdag pa niya.

Ilan sa pangunahing tungkulin ng panukalang Philippine CDC ay policy and standards development, disease detection and surveillance, data collection and analytics, public health communications, at research and evidence synthesis.

“Ang Philippine CDC ang magiging pangunahing ahensya ng gobyerno na magpapatupad ng mga disease control and prevention measures,” ayon sa senador.

Sa pagtatayo ng CDC sa Pilipinas, kumpiyansa si Go na mas magiging handa ang bansa sa pagtugon sa anumang public health emergency sa hinaharap.

“It is for these reasons that I ask for this chamber’s support for the approval of this measure,” sabi pa ni Go.

Bukod sa naturang panukala, inihain din ni Go ang SB 2155 para sa pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines. Magsisilbi itong principal laboratory ng bansa para sa virology research, laboratory investigations, at technical coordination ng nationwide network ng virology laboratories.