Advertisers
Ni BETH GELENA
GAANO kaya katotoo na kinukuha rin daw ni dating Senador Manny Villar ang serbisyo ng dalawang mahusay na executives pagdating sa larangan ng showbiz?
Ito ay sina Freddie Garcia a.k.a FMG at Johnny Manahan na mas kilalang Mr. M.
Batikan na sa larangan ng industriya ang dalawang personalidad.
Hindi maitatangging may malaking bahagi sila sa pag-unlad ng ABS-CBN.
Si FMG ay napakahusay pagdating sa marketing at kilala namang Star Builder si Mr. M.
Aba, mukhang tututukan nang husto ng dating pulitiko at businessman ang bago nilang negosyo, ang pagtatayo ng isang TV station.
Una nang usap-usapang nakuha na rin nila si Willie Revillame kaya hindi na raw nag-renew ng kontrata sa GMA 7 ang mahusay na TV host ng Wowowin.
***
KAHIT failure ang unang marriage life ni Jodi Sta. Maria sa ex-husband na si Panfilo Lacson Jr. gusto pa ring makasal ng aktres kapag nagbuo siya ng pangalawang pamilya.
Sa YouTube Channel ni Karen Davila ay guest niya ang lead aktres ng The Broken Marriage Vow na si Jodi.
Ayon sa Kapamilya actress, she’s not closing her doors kung bibigyan siyang muli ng pagkakataong makasal.
Pero, looking forward ang aktres to marrying the “right person in God’s perfect time.”
Ani Jodi sa esklusibong panayam ni Karen, “In my heart, I know I would want to take that road again with the right person and in God’s perfect time.”
First time ring ibinahagi ni Jodi ang kanyang past marriage.
“During that time when my marriage didn’t work out, I felt like I was the biggest failure, the biggest joke. Gano’n ‘yung pakiramdam ko, na nagkaroon ako ng feelings of shame, of guilt na ‘shocks nakakahiya.’ Kumbaga, ‘hindi ko ‘to naayos. Hindi ko nabigyan si Thirdy ng buong pamilya.”
Alang-alang daw kay Thirdy ay pinatawsd niya ang ex despite na punumpuno ng anger at resentment ang kanyang nararamdaman.
“Forgiveness — I’m not saying that it’s easy, but it is possible,” sambit pa niya.
Sa ngayon ay maganda ang relasyon ni Jodi sa kanyang ex at sa partner nitong actress na si Iwa Moto.
Kinumpirma na rin ng aktres ang relasyon nila ng aktor na si. Raymart Santiago since 2020 pa raw naging sila.
***
CRISTINE MAY MENTAL HEALTH ISSUES
DUMAAN din pala si Cristine Reyes sa mental health depression.
Sa bagong episode podcast ni Liza Soberano na Open Mind ay guest ng magandang aktres si Cristine.
Nagkuwento si Cristine tungkol sa pinagdaanan niyang mental health issues.
Nagtatag ng kumpanya ang tatlong aktres na sina Liza, Nadine Lustre at Yassi Pressman na nagbibigay ng mas madali at affordable access sa mga mental health expert.
Ani Cristine kay Liza, nag-take siya ng personal course tungkol sa self-love sa Los Angeles, California kamakailan.
“It’s a personal and professional course. I have been working on myself because I have fear and anger inside me since I was a kid. I have a lot of trapped emotions.
“I don’t know how to handle my angers and my fears. Now I am currently practicing to be aware of my triggers, and trying to stay away from it, obviously just protecting myself.”
Pahayag pa ng celebrity single mom, “I think there are some parts of me that I am just not ready to let people know about me. I took this course, and now I’ve realized that I have supressed some emotions that I carried all throughout my life since I was six years old.
“That course helped me to actually dive into myself and how to deal with it. Now, yes I am still private but at the same time, now I am opening up.
“I’m at a point in my life that I have to let it go and not just cover this up. I never opened up about it all my life, not even to my sisters and brothers,” mahabang pagbubulgar ng aktres sa sarili.
Matatandaang inamin ni Cristine sa isang interbyu ng LA-based Eight Billion Project hosted by Liza Florida na mapapanood sa YouTube, ang pang-aabusong naranasan niya sa kanyang biological mother.
“Ever since I moved to my biological mom, I felt that I didn’t have a voice. So as much as possible, I don’t really talk,” aniya.
Ang naranasang trauma nu’ng bata pa ang aktres ay nagdulot sa kanya ng pagkakaroon ng anxiety attacks.
Ibinahagi rin ni Cristine na pagkatapos ng self-love course ay nangako siya sa sarili na never na siyang gagawa ng labag sa kanyang kalooban tulad ng pagtanggap ng mga daring roles.
***
TOM NILIKE ANG PAGPAPA-TATTOO NI CARLA
ISA si Tom Rodriguez sa nag-like sa bagong tattoo na pinalagay ng kanyang misis sa kabila ng kumakalat na chismis na hiwalay na raw ang mag-asawa.
Sa pag-like ni Tom sa post ni Carla, ang kanilang supporters at mga tagahanga ay nakaramdam na still couple pa rin daw ang dalawa.
Well, hintayin na lang nating magsalita ang celebrity couple kung totoo na ngang hiwalay na sila and what’s the true story behind the issue.