Advertisers
Inaresto ang 17-anyos na lalaki kaugnay ng reklamong ninakawan nito ang isang construction company ng halagang P5 milyon sa Meycauayan City, Bulacan.
Ayon sa ulat ng Bulacan police, pinasok ng suspek ang opisina ng Sinian International Corporation sa Barangay Pantoc 8:00 ng gabi noong Pebrero 6.
Nakapasok umano ang lalaki sa kisame ng opisina nang sirain ang isang parte ng bakod at PVC pipe.
Nang makapasok na, sinira naman ng lalaki ang vault at tinangay ang P5 milyon.
Ang mismong security camera ng kompanya ang nakakuha sa pangyayari.
Kaya’t matapos ikasa ang manhunt operation, nahuli ang lalaki.