Advertisers
SUSPENDIDO parin ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia, ayon sa Department of Labor & Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay dahil pa rin sa kabiguang magbayad ng gobyerno ng Saudi Arabia ng utang na P4.6 bilyon na suweldo ng 9,000 OFWs.
Noong 2016, pinauwi sa Pilipinas ang libu-libong OFWs, karamihan ay construction workers, matapos magsara ang pinagtatrabahuhang mga kumpanya dahil sa pagbagsak ng presyo ng crude oil noong 2014.
Hindi nabayaran ng suweldo ang maraming manggagawa.
Paliwanag ni Bello, hindi natupad ng Saudi government ang pangako nitong bayaran ang utang sa sahod noong October 2021.
Maging ang inaasahang pagbisita ni Saudi Arabian Labor Minister Ahmed al-Rajhi sa Pilipinas noon sanang December 2021 upang ayusin ang gusot ay hindi rin natuloy.
Tinatayang aabot sa 10,000 manggagawa na nakatakda sanang tumungo sa Saudi Arabia ang apektado ng suspensyon.