Advertisers
Sa pag-arangkada ng election campaign period, tila humahabol sa survey si Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos nitong makuha ang ikalawang puwesto.
Batay sa survey ng reaserch team Tangere, nakuha ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos ,ang 57.67% sa pre-election survey, Moreno 16.75%, Leni Robredo 15.08%, Panfilo Lacson, 4.71%,Manny Pacquiao, 4.29% at pinaghati-hatian ng mga ibang kandidato ang 1.04%.
Ikinagulat naman ni Moreno na napuwesto ito sa no.2 bagamat hindi aniya ito naniniwala dahil noong local elections ay panghuli aniya sdiya sa 3 corner fights pero nakuha niya ang 51% ng boto.
Ayon kay Moreno meron “silent majority” ,yung mga taong ayaw na lamang makipag away sa social media at facebook na inaasahan niya nasa panig niya.
Ikinatuwa rin ito ang pagdagsa ng mga tao sa kanyang campaign kick off na umabot sa 8 oras ang “Blue wave” caravan.
Ang nabanggit na pre-election survey ay kinuha noong Enero 18-19 gamit ang 2,400 respondents kung saan tinanong “kung ngayon gaganapin ang eleksyon, sino sa mga sumusunod ang iboboto mong pangulo”.
Samantala, sinabi ni Moreno na patuloy niyang aabutin ang lahat ng tao sa 90 araw ng campaign period.(Jocelyn Domenden)