Advertisers
LUMIPAT na sa Team Isko ang ilang kilalang DDS (Duterte Diehard Supporters) na nagpahayag ng pagtitiwala ba si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang nararapat na ihalal na pangulo sa Mayo 2022.
Sa pagbisita ng Team Isko sa Ridriguez, Rizal nitong Miyerkoles, hayagang sinabi ni Mayor Tom Hernandez ang paghanga niya kay Yorme Isko sa harap ng mga kababayan.
Nagtapat si Hernandez na sa pag-atras ni Senador Bong Go sa kandidatura para presidente, nabigyan sila ni Rizal Gov. Nini Ynares ng laya na pumili ng susuportahan ngayon eleksiyon.
Inamin ng alkalde na dati siyang supporter ni Presidente Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go.
“Ikaw (Isko) po ang laya namin,” sabi ni Hernandez na tumatakbo sa ikalawang termino bilang alkalde ng Rodriguez.
Sinabi ni Hernandez na nakikita niya ang magandang ‘future’ ng bansa kung si Yorme Isko ang magiging presidente.
“Siyempre po, tayong mga magulang, iniisip natin ang future ng ating mga anak. Kaya po nakikita ko sa inyo (Isko), galing po kayo sa hirap, naiintindihan niyo po ang sentimyento ng ating mga kababayan” sabi ni Hernandez.
Nangangampanya sa Rodriguez at iba pang bayan sa Rizal si Yorme Isko, kasama si Doc Willie Ong, katiket na bise presidente, mga kandidatong senador Dr. Carl Balita, Samira Gutuc at Jopet Sison.
Sa pangakong ikakampanya ang Team Isko, sinabi ni Rodriguez na kung sa Maynila ay nasasanla ang laway ni Yomer Isko,” dito sa Rodriguez ay puwede ring isanla ang laway ko.”
Kumampi na rin sa Team Isko ang mga opisyal at miyembro ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) na sumuporta sa kandidatura ng pangulo noong eleksiyon ng 2016.
Nauna rito, kumabilang-bakod na rin ang kilalang DDS na si aktres Vivian Velez, pangulo ng Film Academy of the Philippines at kilalang DDS na aktibong ikinakampanya si Yorme Isko.
“Ngayong eleksiyon, amin pong sinusuportahan ang kandidatura ni Mayor Isko Moreno,” sabi ni dating Agrarian Reform Secretary John Castriciones, pangulo ng MRRD.
Kasana si Castriciones, at iba pang kasapi ng MRRD-NECC sa Kartilya ng Katipunan na doon ginanap ang proclamation rally ni Isko.
Paliwanag ni Castriciones na tumatakbong senador ng PDP-Laban Cusi Wing, dahil sa nagtitiwala sila na bibigyang prioridad ni Yorme Isko ang agrikultura kung mananalong pangulo.
May maliwanag at kongkretong plano si Yorme Isko upang mapalakas at mapasigla ang agrikultura kaya sinusuportahan niya si Yorme Isko, paliwanag ni Castriciones.
Sinusuportahan din ng dating miyembro ng Gabinete ni Pres. Duterte ang plano ni Yorme Isko na likhain ang Department of Fisheries and Aquatic Resources upang maprotektahan ang interes ng mga mangingisdang Pilipino.
“Suportahan po natin si Yorme Isko sapagkat siya po ay may isang maliwanag na plataporma para po sa ikauunlad at kapayapaan ng ating bansa… Mabuhay po si Yorne Isko,” sabi ni Castriciones.