Advertisers
Guilty si dating Bohol Provincial Board member Niño Rey Boniel sa pagkitil sa buhay ng kanyang misis na si Gisela Bendong-Boniel, na dati namang alkalde sa Bien Unido, Bohol.
Nag-plea ng guilty si Boniel sa pagdinig sa kasong parricide nitong Miyerkoles.
Bukod kay Boniel, apat pang kakuntsaba ni Boniel ang umamin sa pagpatay kay Gisela. Kinilala ang mga kasabwat na sina Wilfredo Hoylar, Restituto Magoncia, Alan Delos Reyes at isa pang suspek.
Dahil sa plea bargaining agreement, bumaba ang sentensya kay Boniel, na mula sa reclusion perpetua, magiging walo hanggang 14 taon na lang ang pagkakakulong ng politiko.
Si Gisela, na naging commercial pilot na naging mayor din sa isang bayan sa Bohol, pinatay noong 2017.
Kinuwento ni Riolito, pinsan ni Niño, na binaril Boniel ang kanyang misis at nilagay ang katawan nito sa isang lambat at tinapon sa dagat.
Hindi na nakita ang katawan ni Gisela hanggang ngayon.
Bukod sa kasong parricide, nahaharap din sa kasong kidnapping at serious legal detention si Niño.