Advertisers

Advertisers

Bakbakan ng PNP, PDEA: 1 pulis sibak, 10 na-demote

0 366

Advertisers

Hinatulan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (IAS) ang 11 pulis na sangkot sa madugong misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong February 2021.

Mabigat ang naging parusa kay PCpl. Alvin Borja, na inirekomenda ang pagtanggal sa serbisyo dahil sa umano’y pagbaril sa isang PDEA agent at informant.

Nahaharap si Borja sa kasong homicide dahil sa pagkamatay ni Rankin Gano, agent ng PDEA.



Habang ang sampu pang pulis, pinatawan ng one-star demotion dahil sa direct assault.

Matatandaan na nagkaroon ng madugong engkwentro ang pwersa ng PNP at PDEA sa isang fastfood chain sa Commonwealth, Quezon City kung saan umabot sa apat na katao ang nasawi.

Sa hinaing kasong kriminal ng National Bureau of Investigation, apat na PDEA agent at isang pulis ang nireklamo sa kasong homicide. Siyam na katao naman ang nahaharap sa reklamong attempted homicide.

Ilang pang pulis at PDEA agent ang kinasuhan ng direct assault, falsification of official documents, robbery, at conniving with or consenting to evasion.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">