Advertisers
Pinagsasaksak ng ice pick ng 25-anyos na lalaki ang kanyang karibal nang iwan ito ng kanyang nobya at umibig sa biktima, na nangyari sa Sitio Osmeña, Barangay Dulong Bayan, Nueva Ecija, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang salarin na si Jojo Mamaclay De Guzman, 25, magsasaka, binata ng nasabing lugar; habang ang biktima nakilala na si Angelo Corpuz, 20, helper ng Barangay Poblacion Sur, sa bayan ng Licab, NE.
Sa ulat, 2:00 ng hapon nang magkasundo si De Guzman at live-in partner nito na si Joan Estadilla na naghiwalay na sila dahil sa bago umanong nobyo nito na si Corpuz.
Napag-alaman na nagpasundo si Estadilla kay Corpuz at habang naglalakad na sila sinundan ni De Guzman sabay saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Nakawala ang biktima at itinakbo ang sarili sa Licab Municipal Health Unit, para magpagamot at hindi nagtagal inilipat sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Medical Center sa Cabanatuan City.
Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang tumakas si De Guzman.