Advertisers

Advertisers

Payo ni Isko sa mga supporters: “Maging magalang sa social media”

0 198

Advertisers

UMAPELA si AKSYON Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng kanyang mga tagasuporta na manatiling magalang at huwag makipagpalitan nang hindi magagandang salita lalo na sa social media.

“Sa lahat ng ating supporters, maging magalang po tayo. Pupwede tayong lumalaban pero magalang. Huwag tayong magiging nagtatapang-tapangan sa likod ng mga account,” sabi ni Moreno.

“Gusto ko banggitin lang natin ay facts. Kapag binanggit natin facts, makakatulong tayong paglinawin ang mga mata ng mga kababayan natin dahil ‘yun ang kailangan nating makita ngayon,” dagdag pa nito.



Ang pahayag na ito ng alkalde ay upang kunin ang atensyon ng publiko na sa loob ng 39 taon ay pawang bangayan na ng dalawang political clan ang nasaksihan, ang mga Marcoses at mga Aquinos. Pinamunuan ng mga Marcos ang bansa sa loob ng 21 taon habang ang “yellow party” naman sa pangunguna ng mga Aquinos ay sa loob ng 18 taon.

“Maaring may magandang idinulot, maari din namang may mga bagay na kinalulungkot natin at may mga bagay na mahapdi sa ating damdamin. Whether mabuti or hindi, hindi po ako kundi kayo ang huhusga. Ang tanong ko. Kamusta naman po kayo ngayon? Kamusta po tayo bilang bansa?” tanong ni Moreno.

Inaalok ni Moreno ang sarili bilang sariwa at bagong alternatibo para sa mga sawa na sa dalawang political clan na nagpapalitan lamang ng liderato para sa kanilang angkan.

“Kung pagod na kayo sa kanilang dalawa nandito po ako. Maiba naman.. maiba naman. Tutal nagbakasakali na kayo ng 39 years ano ba namang magbakasali kayo sa akin ng six years?” sabi pa ng alkalde.

Idinagdag ni Moreno na may respeto siya sa lahat ng presidentiables at naniniwala rin siya na mabuti ang intensyon ng mga ito para sa bayan.



Gayunman, ang mga Filipino ay naiitsa pwera dahil sa pagbabangayan ng dalawang political clans at magbigyan na sila pareho ng pagkakataong mamuno sa bansa.

“Ayaw kong maghari ang galit, ang inis, ang paghihiganti dahil lahat ng mga bagay na ‘yan ay walang buting dulot,” said Moreno, who vowed to be a ‘healing’ president whose government will tap the services even of political opponents for as long as they have the best competence to get things done. (ANDI GARCIA)