Advertisers
Nagpapatuloy ngayon ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring ambush kung saan siyam ang patay, tatlo ang sugatan na naganap sa Barangay Kalumamis, Guindulungan, Maguindanao 7:00 ng umaga nitong Sabado.
Ayon kay Maguindanao PNP spokesperson Lt. Fayeed Cana, patungo sana sa Barangay Kitapok, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao ang grupo ni Kumander Pags Mamasainged alias Black Magic sakay ng tatlong SUV para sa isang rido settlement nang tambangan sila ng hindi nakikilalang grupo pagsapit sa Barangay Kalumamis, Guindulungan, Maguindanao.
Sinabi naman na si Commander Black Magic ang target ng ambush.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ng PNP ang Motibo ng pananambang at kung sino ang mga salarin.