Advertisers

Advertisers

7 lungsod, 39 munisipalidad ‘areas of concern’ sa May 2022 polls

0 398

Advertisers

NASA 7 lungsod at 39 munisipalidad ang itinuturing na “areas of concern” kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng May 2022 National at Local Election.

Ayon kay Col Ramon Zagala, spokesman ng Armed Forces of the Philippine, ang 7 lungsod at 39 na mga municipalities ay maaring magkaroon ng banta sa panahon ng election.

“Ang Comelec, AFP at PNP committee on bans on firearms and scurity concerns, nagkaroon sila ng meeting nung February 8 at meron tayong na-identify na seven cities and 39 towns na makikita natin na pwedeng magkaroon ng threat na halo-halo po to,” ani Zagala.



Sinabi ni Zagala na karamihan sa 7 Lungsod at 39 na Municipalities ay nasa Luzon, Visayas at Mindanao.

“Sa cities, siguro majority masabi ko nasa Mindanao, nasa Mindanao, tapos meron merong, may kunti sa Luzon saka Visayas,” saad ni Zagala.

Aniya, tinitignan ng Comelec mga nangyari noon na karahasan sa panahon ng election o election related incident

Isinaad ni Zagala na ang mga nasabing mga lugar ay patuloy na minomonitor ng AFP, PNP partikular na ang mga may presensya ng communist terrorist group, Public Armed Group o Private Armed Group.

Itinuturing parin ng AFP na malaking banta sa seguridad ang NPA na gustong maimpluwensyahan ang election sa pagbabanta at pananakot sa kandidato. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">