Advertisers
MULING magkakaroon ng taas-presyo sa langis sa Martes, Pebrero 15.
Ito na ang ika-7 sunod na linggo na magtataas ang presyo ng langis.
Ang gasolina, may P1.10 hanggang P1.20 na dagdag presyo kada litro.
Inaasahan namang papalo sa P0.90 hanggang P1 ang taas-presyo sa diesel, habang P0.60 hanggang P0.70 sa kerosene.
Inaasahang taas-presyo ng petrolyo
Gasolina – P1.10-P1.20/L
Diesel – P0.90-P1.00/L
Kerosene – P0.60-P0.70/L
May nakaambang invasion ng Russia sa Ukraine na dahilan ng taas-presyo.
Huling nagkaroon ng rollback noong Disyembre 28.
Ibig sabihin, hindi pa nakakatikim ng rollback sa presyo ng petrolyo ang mga motorista ngayong 2022.