Advertisers

Advertisers

Industriya ng sapatos sa Marikina bubuhayin ni Isko

0 304

Advertisers

Bubuhayin ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang industriya ng sapatos sa Marikina City sakaling palaring manalo na Presidente Ng bansa.

Magiging diskarte ang pananawagan sa pambansang pamahalaan na bumili ng mga lokal na sapatos para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan at empleyado ng gobyerno.

“Bibilin ng gobyerno ang mga sapatos. ‘Yung mga sapatos nila dapat bilin ng gobyerno katulad ng ginawa ni Congressman Del De Guzman na batas. ‘Yung mga sapatos sa military, sa pulis dito galing lahat. Sana ganun na rin sa mga eskwelahan, sa government offices,” ani Moreno



Tinutukoy ng Aksyon Demokratiko presidential candidate ang Republic Act No. 9290 or An Act Promoting the Development of the Footwear, Leather Goods and Tannery Industries Development na pangunahing isinulat ni Marikina Rep. Del De Guzman, na dati ring alkalde ng lungsod.

Kinikilala ng R.A 9290 na ang mga industriya ng tsinelas, leather goods at tannery ay may potensyal na makabuo ng trabaho sa pamamagitan ng kanilang pinagsama-samang pag-unlad, at pataasin ang mga kita ng foreign exchange ng bansa sa pamamagitan ng mga export at import substitutes.

Ito ay naaayon sa patakaran ng Estado na suportahan, isulong at hikayatin ang paglago at pag-unlad ng mga maliliit at katamtamang mga negosyo (SME) na kabilang sa mga industriyang ito.

Kasama ang kanyang vice-presidential candidate na si Dr. Willie Ong at Aksyon Demokratiko senatorial bets na sina Dr. Carl Balita, Samira Gutoc at Jopet Sison, bumisita sila sa Gibson Shoe Factory at nagsagawa ng informal dialogue kasama ang mga tagagawa at manggagawa ng sapatos. .

Ayon sa Marilina shoe industry, karamihan sa local shoemaker’s ay malapit nang magsara dahil sa pagdating ng imported dirt-cheap shoes mula China.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">