Advertisers

Advertisers

METRO MANILA HANDA SA ALERT LEVEL 1

0 374

Advertisers

HANDANG-HANDA na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) oras na ilipat sa Alert Level 1 ang Metro Manila.

Tiniyak ito ni MMDA officer-in-charge Atty. Don Artes kung saan nakahanda ang kanilang kagawaran na ipatupad ang kahit ano mang polisiya.

Unang pinalutang ng mga grupo ng negosyante ang hirit na gawing Alert Level 1 na ang Metro Manila, na may kaakibat na pag-alis sa distancing protocols.



Ito ay sa kabila ng paninindigan ng Department of Health (DOH) na nananatiling “moderate risk” pa rin ang Metro Manila sa COVID-19 classification.

Ayon kay Artes, estriktong naipapatupad naman ng mga establisimyento ang minimum public health standards.

Pero ipapaubaya na lang nila sa mga eksperto ang pasya tungkol sa pagbaba ng capital region sa Alert Level 1.

Sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na tatalakayin pa ngayong araw ng IATF ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa katapusan ng Pebrero, at kung handa na ba ang National Capital Region (NCR) na mailagay sa ilalim ng Alert Level 1.

Matatandaang, ika-4 na araw nang sunod-sunod na nakakapagtala ang Pilipinas ng mas mababa sa 5,000 kaso, matapos maitala ang 3,788 bagong kaso noong Biyernes. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">