Advertisers
MAHAHARAP sa kaukulang kaso ang mga lumalabag sa health protocols sa kasagsagan ng campaign period.
Babala ito ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ayon kay Año, sa ngayon nagpapatuloy ang coordination efforts sa pagitan ng mga political parties at candidates para paalalahanan din ang kanilang mga supporters na mahigpit na sundin ang umiiral na COVID-19 health protocols sa tuwing mayroong political campaign gatherings.
Dahil sa pandemya, ipinagbabawal ngayon sa mga kandidato na makipagkamay sa mga botante o hindi kaya ay gumawa ng anumang nangangailangan ng physical contact sa kasagsagan ng campaign period.
Gayunman, hinimok ni Año ang mga kandidato na sumunod sa Comelec Resolution No. 10732 na naglalaman ng mga restrictions sa in-person campaigning.
Kung mayroon man aniyang makitang lumalabag sa mga polisiya na ito, maari itong direktang isumbong sa mga opisyal para maimbestigahan at para malaman na rin kung kailangan bang makasuhan.