Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA final episode ng kanyang game show, inamin ni Willie Revillame na nahirapan siyang magdesisyon kung mananatili sa Kapuso network o lilipat sa AMBS ni Manny Villar.
Pero sa huli, nanaig sa kanya ang para sa kanya’y magandang oportunidad na naghihintay sa Capamella.
Gusto raw kasi niyang makatulong at makapagbigay ng trabaho sa mga kasamahan niya sa industrya.
Aminado rin siyang nasa linya ng trabaho niya ang broadcasting at entertainment.
Sa nasabing episode, idinenay din niya na namimirata na siya ng mga artista.
Ang katotohanan daw ay wala pang plano o blueprint ang pagtatayo ng mga Villar ng nabanggit na network.
Hirit pa niya, hindi rin daw kabisado ng real estate mogul ang pasikot-sikot ng nasabing negosyo lalo pa’t frequency pa lang ang meron ito.
Katunayan, wala pa nga raw itong transmitter, wala pang talents at lalong wala pang nakalinyang shows.
Kumbaga sa negosyo, wala itong feasibility studies.
Dahil sa paglalahad na ito ng Wowowin host, maraming kibitzers ang nagsasabing ‘hilaw’ daw ang paglipat nito sa Capamella.
Maraming taon kasi ang binuno ng ABS-CBN at GMA-7 bago naging pioneers sa larangan ng broadcasting at hindi sila naging successful overnight.
Anyway, sana naman ay hindi matulad sa isang network ang Capamella na kumuha ng big stars and yet nalugi dahil bigo itong ma-improve ang mismong signal nito.