Advertisers

Advertisers

Janella ayaw pang pakasal kay Markus kahit may anak na

0 401

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MATAGAL na rin naman na partners sina Janella Salvador at Markus Paterson, at malaki-laki na rin ang kanilang anak na pwede nang maging ring bearer sa kasalan pero hanggang sa ngayon ay tila wala pang linaw kung pakakasal ang dalawa at kung kailan.
“Wag na muna. Matagal tagal pa ‘yun. Di pa namin iniisip,” say ni Janella.
Kung may mga kababaihan na nagkaroon ng anak kahit di pa kasal ay nangangarap na maikasal sila ng partner, sina Janella at Markus ay chill lang.
“Syempre gusto ko pag nagpakasal kayo, sobrang-sobrang okay ang lahat. Stable ka financial, emotionally, lahat. We’re still learning new things about each other and how we are as parents so hindi pa namin naiisip yung, ‘pakasal na tayo’ ganon, wala pa,” dagdag pang say ni Janella.
Sa ngayon, bukod sa abala sa anak nila ni Markus ay tuluy-tuloy pa rin ang tapings niya sa latest seryeng ginagawa para sa Kapamilya Channel, ang “Darna” na si Janella ang lalabas bilang si Valentina, ang mortal na kalaban ni Darna na gagampanan naman ni Jane de Leon.
***
MICHELLE NAKATUON SA BB. PILIPINAS PAGEANT KAYA LIELOW SA SHOWBIZ
SA dami ng nilatag na mga bagong proyektong gagawin ng Kapuso Network para sa first half ng taong 2022, kapuna-puna na hindi kasali ang pangalan ni Michelle Dee, PMPC’s Star Award Best New Actress.
Applauded naman ang kanyang ginawang mini serye sa ‘Agimat Ng Agila’ na siya ang babaeng kontrabida.
Ayon naman sa bulung-bulungan, abala raw si Michelle sa paghahanda sa muling pagsabak sa parating na Miss Universe Philippines at todo workshop si Michelle kaya isinantabi na muna ang showbiz karir para sa hinahangad na koronang Miss Universe.
Kung matatandaan si Michelle ang kandidata ng Pilipinas sa Miss World competition noong 2019 at napabilang s’ya sa Top 12 finalists. Natapos na ang kanyang reign at naipasa na n’ya ang Miss World Philippines crown kay Tracy Maureen Perez last year.
Lalong naging maingay sa mundo ng beauty pageantry, ang isang larawan na pinost ni Michelle habang body exercise and sporting a short hair, na nagsasabing:
“If looks could kill, you dead” with matching #DEEpataposanglaban.
Well, mukhang may unfinished business talaga si Michelle, ang maging Miss Universe. So need talaga niyang mag-focus sa workshop and training dahil sa maraming magaganda at qualified na Miss Universe Philippines aspirants ngayon base na rin sa mga post ng kanilang mga supporters sa social media.
But then, may malaking tsansa si Michelle lalo pa na may background na siya sumabak sa isang international beauty pageant.