Advertisers

Advertisers

2 patay. 6 sugatan sa engkwentro sa Maguindanao

0 443

Advertisers

Sumiklab ang matinding bakbakan ng magkaaway nga grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Ist Brigade Combat Team ng Philippine Army na nagkasagupa ang grupo nila Kumander Gringgo at Kumander Jun Barang sa Barangay Sinditan Sultan Kudarat Maguindanao na pawang mga myembro ng isang Moro Fronts.

Sa tindi ng palitan ng putok sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.



Humupa lamang ang engkwentro nang dumating ang tropa ng Ist Brigade Combat Team sa pamumuno ni Bregadier General Ignatius Patrimonio kasama ang pwersa ng pulisya at MILF Ceasefire Committee.

Narekober ng mga otoridad ang dalawang bangkay at anim rin ang nasugatan sa engkwentro ng magkaaway na grupo.

Ang mga lumikas, nagmula sa hangganan ng Cotabato City, Sultan Kudarat at Sultan Mastura Maguindanao.

Sa ngayon, nakatakda na ipatawag ng LGU-katuwang ang MILF,militar at pulisya ang dalawang grupo para resolbahin ang alitan nito sa mapayapang negosasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">