Advertisers

Advertisers

Pagtaas ng presyo ng petrolyo posible hanggang Mayo – DOE

0 339

Advertisers

INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Energy na maaaring magpatuloy ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na buwan bago unti-unting bumaba sa Mayo o Hunyo.

Sa pahayag ni DOE-Oil Industry Management Bureau director Atty. Rino Abad nitong Martes, ipinaliwanag nito ang dahilan kung bakit pitong beses nang tumataas ang presyo ng krudo ngayong taon.

Ayon kay Abad, noong nakaraang taon pa lang ay may problema na sa kakulangan ng pandaigdigang supply ng petrolyo.



“Ito’y nagsimula nung year 2021. Alam po naman natin na halos P20 ang in-increase ng mga prices ng petroleum products aggregated for the whole year. Ang rason po noon ay wala pong quarter nung last year na hindi nagkakaroon ng shortage sa crude oil supply sa international market,” aniya.

“In fact yung third quarter of 2021, umabot po ng around more than 3 million ang kakulangan, at it ended up, ang average po ng buong taon ng 2021 ay umaabot po ng 1.85 million barrels per day ang kulang po doon sa 2021.”

Ani Abad, nagsabi na ang Organization of Petroleum-Exporting Countries o OPEC na susubukan nilang tumulong para maibsan ang problema sa supply ng petrolyo.

“We’re expecting na mapupunuan na po yan for the first and second quarter, in fact until May or June of 2022…because of the 400,000 barrels na pangako ng OPEC sa every month staggered increase.”

Pero kuwento ni Abad, nagkaproblema rin ang ilang mga bansang bahagi ng OPEC sa umpisa ng 2022.



“May mga problema din ang OPEC members like Libya, Kazakhstan, Ecuador. Nagkaroon sila ng mga supply disruptions, may gulo sa Libya, may gulo sa Kazakhstan, at ang actual na naibigay po for the past 2 months, yung sinasabi ng OPEC na 400,000, ay 200,000 lang po.”

“Just imagine, 1.8 (million) ang kulang natin, ang naidadagdag po ngayon na actual sa January is only 200,000 barrels. So clearly, yung market po, kulang talaga ng supply,” aniya.

“Ang pangalawang issue dyan, yung current natin na demand, hindi pa napupunuan, nagkautang-utang pa yung inventory natin last year. In fact ang report ng plot, umaabot ng 449 million barrels ang kinuha doon sa mga stored capacity natin.”

“For example, yung strategic petroleum reserve ng buong mundo, iyan ay nakikipag-agawan din dahil bini-build up din yan ng China for example, ng India, ng Japan, tina-try nilang i-build up ulit ngayong merong supply na available, pero nakikipag-agawan sila doon sa current demand na mismong nagkukulang na rin.”

Ayon sa opisyal, maaaring mabawasan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo nitong Mayo o Hunyo.

Pero ayon kay Abad, ginagawa ng pamahalaan ang lahat para matulungan ang mga Pilipino sa gitna ng pagtaas ng presyo ng krudo.