Advertisers

Advertisers

Maraming proof sa husay ni Yorme Isko kaya pataas ng pataas ang rating nito

0 391

Advertisers

UNTI-UNTI, patuloy lang ang pagtaas ng rating sa survey ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso – at ito ay dahil sa malinaw, may patibay, kongkreto ang mensahe ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko.

“Clear cut” at may pruweba ang mensahe ni Yorme Isko, sabi ni Lito Banayo, chief strategist ng Team Isko.

“We have proof of our achievement in the City of Manila, we can replicate it all over the country, and we have the platforms, the programs to show that it can be done,” sabi ni Banayo.



Bukod sa nakikitang ginawa sa Maynila, tiyak ang patakaran sa ekonomya na aaksyonan agad ang administrasyong Moreno kung mananalo sa eleksiyon sa Mayo.

Tunay na solusyon at mabilis umaksyon ang dala ng Team Isko, at si Yorme, matapang, may tiwala sa sarili sa pagharap sa bayan, at handa sa tagisan ng talino at isip sa mga katunggali sa politika.

Ito ang dahilan kaya pataas nang pataas ang percentage rating ni Yorme Isko at kapansin-pansin, unti-unti, pababa na ang pagkagusto at numero ni dating Senador Ferdinand Marcos Jr.

Sa opinyon ni Banayo, chief strategist ng Team Isko, ayaw ng tao sa kandidatong duwag humarap sa media at sa kalaban sa halalan.

“Labanan yan e, e kung tumatakbo ka, takbuhin ka, little by little ma-eerode yan,” paliwanag ni Banayo – na malaki ang ambag sa panalo ni President Rodrigo Duterte noong 2016 elections; panalo ng yumaong President Noynoy Aquino noong 2010; President Joseph Estrada noong 1998 at ng namayapang President Cory Aquino noong February 1986 snap elections.



Dahil nga sa naduwag si Marcos na harapin ang mga kalaban ay dumadausdos na ang popularidad nito sa masa.

“Consistent” ang pagbaba ng numero ni Marcos, ayon sa non-commissioned survey ng Tangere, bumaba na sa 51.83 percent (%) ang dating 60% nito noong Jan. 3, at 58% last January 18 survey.

Pero si Isko, umakyat sa 23.5 % sa Feb. 10-11 survey mula sa 22.17% sa Feb. 4-5 ng Tangere survey.

Ayon kay Banayo, naipakitang mabuti at maliwanag ni Yorme Isko ang programa ng kanyang administrasyon na nakita ng mamamayang Pilipino sa magkasunod na The Jessica Soho Presidential Interviews at ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas Presidential Forum.

Matatandaang kumabig si Yorme Isko ng 65% sa Soho interviews noong Enero 22, kasunod ang malayong 20% ni Vice President Leni Robredo.

At noong Peb. 4 KBP Forum, 54% ang pagtitiwalang nakuha ni Isko sa taumbayan, at muli, malayong 24% lang ang nakuha ni Robredo.

Sa opinyon ni Banayo, mas tanggap ng Pilipino ang matapang, may paninindigang kandidatong tulad ni Yorme Isko kaysa sa “naduduwag na kandidatong” tulad ni Marcos Jr.