Advertisers

Advertisers

Ayaw nakatengga… Angeline nag-ukay-ukay bisnes habang buntis

0 370

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NOW it can be told, na bukod pala sa bakasyon sa Amerika ay may isa pang purpose si Diego Loyzaga sa pagpunta sa naturang bansa. Ito ay ang paggamot sa kanyang broken heart sanhi ng hiwalayan nila ng  dating partner na si Barbie Imperial.

At mukhang wala pa rin sa Pilipinas si Diego dahil sa dalawang pelikulang ginawa niya ay tila nasa ibang panig ng bansa siya naka-base sa kanilang virtual presscon, una ay ang sa “The Wife” na streaming na ngayon at ang kasunod ay para sa upcoming movie niyang “Ibong Adarna” na magsisimula nang i-stream sa Marso 11 sa Vivamax.



Sa naturang virtual presscon ay diretsahan na natanong ang aktor kung nasa Pilipinas na siya ngayon pagkatapos halos ng ilang buwang pamamalagi sa US. Secret ang walang gatol na sagot ni Diego.

“And you know, I had plans prior to 2022. Well, you know in life sometimes not everything goes to plan. So I had to re-assess. I had to see where I want to go again,” ani Diego.

At nang kumustahin naman ang lagay ng kanyang puso sa ngayon after ng break-up nila ni Barbie.

“I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time. It was so good. I love the States,” dagdag pang pahayag ni Diego.

***



IBANG klase talaga si Angeline Quinto pagdating sa diskarte sa buhay, dahil kahit malaki na rin ang kanyang tiyan sa pagbubuntis ay nakuha pa nitong mag-work from home at kumita ng salapi sa pamamagitan ng live online selling ng mga stuff na nasa magandang kondisyon pa rin at branded, pero sa napakababang presyo, presyong ukay-ukay. Hindi nga lang malinaw kung saan niya kinukuha ang mga binebentang stuff, kung may supplier ba siya o baka mga hindi na rin naman niyang ginagamit na bagay.

Tila tulad ng kanyang singing karir ay may dalang swerte rin si Angeline sa pinasok na bagong bisnes, nitong huling live online selling niya ay naka halos 2.4 million views ang naturang post ng singer.

Sa takbo ng pangyayari sa buhay ni Angeline, mukhang hindi siya papayag na nakatengga lang sa haws at mag-aantay na lang ng araw ng kanyang panganganak. Madalas na nasa social media si Angeline.

Nitong mga nakaraang araw ay nag-post siya ng kanyang mga heartwarming photos kuha during her maternity photoshoot. Buong ningning na ipinakita ni Angeline ang kanyang lumalaking baby bump. Tapos nito ay naglabas din siya sa sariling socmed account ng larawan ng ama ng kanyang dinadala.