Advertisers

Advertisers

Basahin! GUIDELINES SA PAGBOTO SA NEW NORMAL

0 473

Advertisers

BOLUNTARYO na lang ang pagsusuot ng face shield para sa mga botante na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3.

Sa inilabas na New Normal Manual ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Lunes, hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa loob ng polling places.

Gayunman, mahigpit pa rin ipatutupad ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.



Dadaan pa rin sa temperature check ang bawat botante at sakaling pumalo ng 37.5 ang temperature nito ay dadalhin sa isolated polling place para doon bumoto.

Limitado rin ang bilang ng botante na makakapasok sa bawat polling place.

Magugunitang sinabi ng Comelec na posibleng luwagan nila ang protocols sa 2022 elections dahil nagluwag na rin naman ang alert level status dahil sa patuloy na pagbaba ng covid cases. (Jonah Mallari/Jocelyn Domenden/Josephine Patricio)