Advertisers

Advertisers

Alisin narin ang pahirap na ‘Spass’ at ‘Antigen’

0 350

Advertisers

LAMANG at niluwagan na ang restrictions laban sa Coronavirus desease 2019 (Covid19), kungsaan nasa Alert Level 1 na ang dating sentro ng mabagsik na virus na Natioal Capital Region (NCR), nasa 100 percent nang operational ang lahat ng negosyo sa bansa, dapat ay alisin narin ang pahirap na ‘Spass’ ng DOST at Antigen na pinare-require ng Department of Health (DoH) sa mga biyahero at maging sa mga papasok sa ospital.

Oo! Talagang malaking problema para sa mga hindi marunong gumamit ng digital celfone o computer ang pag-download ng Spass. Kailangan pa nilang magbayad sa marunong para makapag-download.

Malaking problema rin ito sa mga nakatira sa lugar na hindi pa abot ng signal ng internet. Kailangan pa nilang pumunta sa ibang bayan na mayroong signal. Mismo!



At itong Antigen, dapat alisin na itong requirement sa mga tawid isla, mga pasyente at mga nagpapa-checkup sa ospital. Unang-una, hindi ito reliable at ubod pa ng mahal, nagkakahalaga ng P800 hanggang P1,000 plus. Obviously ay negosyo na ito! Animal!!!

Again, DoH Secretary Francisco Duque, Sir! tanggalin nyo nang requirements ang Spass at Antigen. Kawawa ang mga walang alam sa pag-download nito at walang pambayad ng Antigen. Mismo!

***

Marcos una parin sa survey

Sa latest survey ng OCTA Research para sa presidentiables, si Bongbong Marcos Jr. parin ang nangunguna na mayroong 55 percent kuno.



Malayong pumapangalawa si Leni Robredo na nakakuha ng 15 percent, at nakabuntot sina Isko Moreno (11%), Manny Pacquiao (10%), Ping Lacson (3%), at 6 percent ang mga tumanggi sabihin kung sino ang kanilang napupusuan sa mga kandidato sa pagkapangulo.

Pero sa survey sa mga koliheyo at sa Simbahang Katoliko, malayong nangunguna si Robredo.

Sabi ng netizens: “Totoo ba ang mga survey na ito, bakit hindi manlang kami natatanong?”

Well, saganang akin, ang tunay na survey ay sa Mayo 9, araw ng eleksyon. Mismo!

Take note: Noong 2016, si Marcos ay nanguna rin sa mga survey sa pagka-bise presidente, malayong malayo si Robredo. Pero ang nanalo sa eleksyon ay si Robredo.

Sa kasaysayan ng mga survey sa presidentiables, simula 1992 lahat ng nanguna sa surveys ay talo sa actual na halalan.

Kaya itong sina Robredo, Isko, Lacson at Pacquiao ay hindi natitinag sa mga lamang ni Marcos sa mga survey. Anila, malalaman sa Mayo 9 kung sino ang gusto ng nakararaming Pinoy. Mismo!

***

Malaki ang naitulong ng CNN Philippines presidential debate sa kandidatura ni VP Leni. Aba’y nakahatak pa ito ng supporters. Marami ang bumilib. Pati mga loyalist ni Marcos at supporters ni Duterte ay napa-nganga, nakapag-isip, natauhan, lipat na raw sila kay VP Leni.

“I am Marcos loyalist but im glad i opened my eyes to what my daughter said and after watching CNN debate, i know i made 1 of the best decision in my life. It made me cry after i watched the debate, VP Leni is one heck of a woman!!!” – Girlie Dreisbach

Kayo, mga suki, anong masasabi nyo kay VP Leni? Malinis ang kanyang rekord sa public service, walang anumang tinta ng korapsyon sa katawan. Mismo!