Advertisers

Advertisers

LPU @ 70 dinaluhan ni Atty. Lopez

0 279

Advertisers

Dumalo si Atty. Alex Lopez sa pagdiriwang ng 70th Foundation Anniversary ng Lyceum of the Philippines University, Manila at ng 131st Birth Anniversary ng founder ng LPU na si Dr. Jose P. Laurel nitong Marso 1, 2022.

May tema ang kasalukuyang pagdiriwang ng “LPU @ 70: Fulfilling Dreams and Transforming Lives”.

Nagsagawa ng iba’t- ibang aktibidades at isang Thanksgiving Mass na nasa streaming live via LPU Manila Facebook Page.



Bilang educator, todo-suporta si Atty. Lopez sa pamilya Laurel partikular na sa kanyang maybahay na si Sarah Laurel-Lopez, Vice President for Finance ng LPU.

Binati ni Atty. Lopez ang buong Lyceum of the Philippines University community sa kanilang anibersaryo.



Sinabi ni Lopez na nagmarka ang napakahalagang okasyon sa kasaysayan ng bansa sa pagbibigay ng academic excellence sa mga mag-aaral. Sa nakalipas na mga dekada, nagkalikha ang LPU ng mga pinuno sa iba’t ibang larangan, lalo na sa serbisyo publiko.
Pinuri ni Atty. Lopez ang mga school administration officials, faculties, college deans, alumni, at mga estudyante na nagsumikap na mapanatiling buhay at matatag ang unibersidad hanggang sa kasalukuyan.

“You have shown your admirable dedication despite all the challenges that this Covid-19 pandemic has brought upon us.” wika ni Atty. Alex.



Ipinahayag ni Lopez na nagtataguyod siya ng edukasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga scholarships sa mga karapat-dapat na mag-aaral. Ito ang isa sa kanyang pamamaraan para maipakita ang pagmamalasakit sa mga susunod na henerasyon. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong makakuha ng kaalaman at kasanayan, makakalikha ng isang produktibong mamamayan na tutulong sa pagbuo ng bansa.

“Again, congratulations and I wish you more success in all your future endeavors.” pagwawakas ni Atty. Lopez.