Advertisers
Naaresto ng mga elemento ng Philippine National Police Maritime Group ang miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFR) sa isinagawang operation sa Tondo, Manila nitong Linggo.
Kinilala ang naaresto sa alias “Jaycee,” 39-anyos, ng Quezon City, Top 6 Regional Level Most Wanted Person ng National Capital Region Police Office.
Ayon BGen Randulf Tuano, PNP Spokesperson, isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng Northern National Capital Region (NCR) Maritime Police Station sa Baseco port Area, Tondo, Manila.
Base ang operasyon sa warrant of arrest sa suspek sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention na ipinalabas ng Pasay City Regional Trial Court Branch 297.
Sinabi ni Tuano na kabilang ang suspek sa pagdukot sa isang negosynate at driver nito sa Pasay City noong June 13,2024.
Nabatid na hinarang ng mga aramdong kalalakihan ang sasakayan ng biktima at driver nito at sapiltang tinangay sa Pasay City.
Pinalaya ang mga biktima ng mga suspek nang makapagbigay ng ransom ang pamilya kapalit nang kalayaan nito.(Mark Obleada)